Magulo nga ba palagi sa MINDANAO?

Ingat-ingat daw tayo tuwing sasabihin natin na may gulo sa mindanao. Bakit? Maraming umaangal?

Eh kasi naman daw :

  • 2nd Largest Island sa Pilipinas

  • 6 Administrative Regions

  • 26 Provinces

Ang Pananaw sa Mindanao
Ang Pananaw sa Mindanao

Tuwing may barilan or tuwing may sumasabog hindi ibig sabihin na ang buong 133,656 square kilometers nito ay nagpapatayan.

Irresponsable daw ang media pag nag rereport at gumagamit nang terms na “Krisis sa Mindanao” oh “Karahasan sa Mindanao”

hindi raw maganda ang nagiging repleksyon nito sa imahe nang isla at sa mga residente nito.

Eh bakit eto? Diba sa MINDANAO to lahat ma tatagpuan?

Ohh mahilig tayo mag generalize, gusto ba natin pag sinasabi natin taga luzon ay ganito ..

BAHA

Nung mga Bagyo na tumama sa luzon gaya nang Ruby, Lando at iba pa, Wala naman tayong na babasang “Kalamidad sa Luzon” Diba?

LINDOL

Nung limindol sa Baguio, hindi naman sinabi na “Lindol sa Luzon” Diba?

UNEXPECTED EVENTS

Nung  may sumabog sa Glorietta Mall, Nung panahon ng Oakwood Mutiny at yong Hostage Crisis sa Quirino Grandstand.

Nakabasa ka ba ng HEADLINE na “Luzon Crisis“?

Eto ung tinatawag na Sweeping Generalization

Tayong mga pinoy ay mahilig sa ganito. Para kasing napakalayo nang Mindanao mula sa Manila, parang sa ibang bansa, parang sa ibayong dagat at parang ang tamad-tamad na natin mag isip; kaya pinag sama sama nalang natin sila lahat sa isang pinaka convenient na pangalan.

Sa nangyayari ngayon, alam naman natin na ang Presidente nating taga mindanao ay ginagawa lahat ng makakaya na maging progresibo na ang Mindanao. Pero sa nangyayari ay nakaka resulta ng maling persepsyon ang ibang bansa nang dahil na rin sa mga media reports na sobrang exaggerated na.

Pero eto lang ang dapat nating tandaan:

Hindi lahat nang muslim ay terrorista. Sila pa nga ang pinaka geniune na tao na walang ka PLASTIKAN.

Hindi lahat ng General sa AFP ay corrupt

Hindi lahat ng Congressman ay Pasaway

Hindi lahat ng Senador ay Artista

Hindi lahat ng taga Tondo ay Basagulero

Hindi lahat ng naka tira sa Saray ay Adik

Hindi lahat ng OFW ay mga Maid

Oh diba kung tayo ng mga pinoy ang naging sentro ng ganitong issue eh nagagalit tayo. So next time ano nga ba ang dapat sabihin ? Ingat-ingat nalang!

Eto pa pala:

Hindi lahat ng abnormal ay ganito.  😆

Ang Pananaw sa Mindanao
Facebook Comments